Ibahagi ang Iyong Sarili
“Ayaw ko pong mag-share” sigaw ng bunso ko. Ayaw niya pa kasing ipamigay ang ilan sa mga laruan niya. Napaikot ang mata ko sa pagiging isip-bata niya pero ang totoo, kahit tayong mga matatanda na ay may ganyan pa ring pag-uugali. Mahirap para sa atin ang magbigay kaagad sa iba na bukal sa ating puso.
Ngunit bilang sumasampalataya kay Jesus, tinawag…
Awit Ng Papuri
Maraming kinapapanabikan sa kanyang buhay ang aking ama. Tulad ng nananabik pa rin siyang muling makabalik sa dati niyang buhay sa kabila ng paglala ng kanyang sakit na Parkinson’s. Sa gitna naman ng kanyang paghihirap at kalungkutan, nananabik siya sa kapayapaan. Gayon din naman sa kanyang pag-iisa, kinapapanabikan niya ang maramdaman muli ang mahalin at mapahalagahan.
Nababawasan naman ang lungkot ng…
Matibay Na Pundasyon
Tunay na may matututunan tayo tungkol sa pananampalataya mula sa mga hindi natin inaasahan tulad na lamang ng aso kong si Bear. Sa tuwing nauubusan siya ng tubig sa kanyang lalagyan, hindi siya tumatahol para ipaalam ito sa akin. Tahimik lang siyang naghihintay sa tabi nito gaano man ito katagal. Nagtitiwala si Bear na pupuntahan ko siya at ibibigay kung ano…
Utak Talangka
Tuwang-tuwa ako nang ayain ako ng aking pinsan sa manghuli ng mga crayfish o ulang. Nang iabot niya sa akin ang timba, tinanong ko siya kung bakit wala itong takip. “Hindi na kailangan” sagot naman niya. Pagkaraan ng ilang sandali, nalaman ko na ang sagot sa aking tanong. Dahil habang pinapanood ko ang mga ulang, napansin kong sa tuwing may makakarating na…
Gawin Para Kay Jesus
Napaaga ang pagpasok ng anak kong babae sa eskwelahan kaya inaya niya ako na dumaan muna kami sa isang coffee shop. Pumayag naman ako. Pagdating namin doon, tinanong ko siya, “Gusto mo bang magpasaya ngayon?” Sumagot naman siya, “Sige po!”
Noong babayaran na namin ang aming binili, sinabi ko sa barista na babayaran na rin namin ang binili ng dalagitang nasa…